RSS

Pages

MAHAL KONG ANAK

Sa tuwing binabasa ko ang mensaheng ito ng isang magulang sa kanyang anak, sakaling siya ay sumapit sa kanyang pagtanda, hindi ko maiwasang tumulo ang aking luha.Naalala ko ang aking mga magulang, bagaman hindi pa sila ganon katanda, ngunit alam ko na darating ang araw na sila ay sasapit sa kanilang katandaan tulad ng isinasaad ng liham na ito ng isang magulang.

Ibinabahagi ko ang babasahing ito sa ating lahat na mga anak higit sa lahat sa mga kabataang kung minsan ay napababayaan ang kanilang mga magulang lalo pa nga at sumasapit na ang mga ito sa katandaan at higit itong nangangailangan ng pagkalinga ng isang anak.


MAHAL KONG ANAK,

Mahal kong anak, Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako atpagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ngpinggan,
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sanaakong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda.
Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!"
paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuhaang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Amoy matanda,amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na angkatawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin
sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo,maiintindihanmo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo,kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kongmalaman mo nasabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddybear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,
Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay.
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ....

Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Nagmamahal,
Iyong Ama't Ina

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Megan Fox is a Man?



Megan Fox
Megan Denise Fox an american actress and model,officially reported that she is really a MAN.

Is she really a man????

According to the weekly world news, megan showed an interest in both performing and women clothing, and as a sweet 16 present, fox's parents gave him a sexual reasssignment surgery,for their child's career, they'd hoped to write off as a business expense. But unfortunately, laws prohibits such surgery for minors.

Megan is one of the famous actress and model in America not only because of her beautiful and innocent face but also because of her good acting performance.She was nominated for young artist award last 2005 for her TV series,HOPE AND FAITH.She also plays the role of Mikaela Banes(sam's girlfriend, who cannot afford to attend college with him, and gets a job at a motorcycle repair shop) for the upcoming movie,TRANSFORMERS:REVENGE OF THE FALLEN.

But is it true that she is a man?Well, let's just wait for another updates about her. for the meantime, let's just enjoy to look at her beautiful face. One thing is true,another adventure is waiting for us for the upcoming science fiction action film, Transformers: Revenge of the Fallen, which will be released on June 19 2009.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

CONDOS FOR SALE IN MAKATI

START YOUR OWN BUSINESS NOW!